October 26, 2021

Anne praning sa pag-aalaga ng baby

https://tonite.abante.com.ph/anne-praning-sa-pag-aalaga-ng-baby/

Type masubaybayan ni Anne Curtis ang paglaki ng kanyang anak na si Dahlia Amelie.

Aminado rin siyang very protective siya pagdating sa kapakanan ng kanyang unica hija.

Ang bagay na ito ay ini-reveal niya sa launch ng isang brand ng bath and baby lotion.

Tulad ng ibang mom, “praning” daw siya sa pag-aalaga sa ‘baby’ nila ng mister na si Erwan Heusaff.

Pagbabalik-tanaw pa niya, noon nga raw nasa Australia pa sila, napakametikoloso raw niya sa anak lalo pa’t ipinanganak ito sa panahon ng global pandemic.

As a mom, sinisigurado lang daw niyang hindi ito mahahawa ng Covid-19 virus.

May mga pagkakataon nga raw na sobrang nakulitan sa kanya ang isang midwife na tinawagan niya sa hotline sa Sydney dahil sa pag-uusisa niya sa kundisyon ng kanyang baby.

“Even now that she’s a toddler, I still ask my pedia questions because I’m a super praning mom. I don’t think that will ever change, like me being a praning mom. I might be a little laidback but I’m a super praning mom,” ani Anne.

Dahil sa kanyang walang patumanggang pagtatanong, na-feel din daw nito na isa siyang first time mom. Ito ang dahilan kaya ganoon siya kaaligaga pagdating sa pag-aalaga sa kanyang bunso.

Dagdag pa niya, isa raw sa ipinayo ng kanyang pediatrician ay tigilan na niya ang paggo-google dahil nami-mix up siya sa kung ano-anong impormasyong nakukuha niya sa nasabing search engine.

Mas praktikal pa rin daw na matutunan niya ang lahat on her own dahil naniniwala ang kausap niya na “experience is the best teacher.”

“I trust myself a little bit more but one thing my pedia also told me to do was stop Googling. ‘Wag si Dr. Google. So that’s one thing my pedia told me to stop doing even if it’s late night, he’s like just message me na lang, ‘wag ang Google,” ani Anne.

Ogie naniniwalang hiwalay na sina Kiko, Heaven

Sa vlog ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz, unang nagpa-interview si Kiko Estrada tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Heaven Peralejo .

Sa naturang vlog, ipinagtanggol ni Kiko ang kanyang girlfriend na si Heaven sa pamba-bash ng mga netizen.

Pagkatapos ng panayam na iyon at wala pang isang linggo, doon na lumabas ang isyu ng paga-unfollow ni Kiko sa Instagram account ni Heaven.

Naintriga rin ang mga katkatera dahil burado na rin ang pictures ni Heaven sa kanyang wall sa Instagram samantalang si Heaven ay hindi pa dinedelete ang mga photo nila ni Kiko sa kanyang social media account.

Nahingan ng pahayag dito si Mama Oggs at sinabi niya na naniniwala siyang hiwalay na ang dalawa.

Bukod kasi sa siya ang unang nakapag-interview kay Kiko, he should know dahil close siya kay Heaven at dati siyang manager nito.

Ani Mama Oggs, sa kanyang opinyon, iyon daw paga-unfollow ni Kiko kay Heaven at pagbubura ng larawan nito sa kanyang Instagram ay matibay na katunayan na break na talaga ang dalawa.

Gayunpaman, hinihintay pa rin daw niyang magsalita ang kanyang dating alaga na si Heaven.

Hindi rin naman ipinagtataka ni Mama Oggs kung hiwalay na ang dalawa considering na iba na raw ang mga kabataan o millennials ngayon .Iba na raw ang kanilang prayoridad at tila napakadali na nilang magsawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *