October 18, 2021

DBM, PITC binuro P4B ng mga bumbero

https://tonite.abante.com.ph/dbm-pitc-binuro-p4b-ng-mga-bumbero/

Kinuwestyon ng isang kongresista ang mahigit P4 bilyong pondo na inilipat umano ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Philippine International Trading Corporation (PITC) at Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) para bumili ng mga trak ng bumbero.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, nakaparada lamang ang pondo sa PITC at PS-DBM gayong maraming pangangailangan ng BFP.

“Kung titignan natin ang budget ninyo noong mga nakaraang taon napakalaki ng unutilized ninyo and in fact trinansfer ninyo ito sa ibang agency,” sabi ni Zarate sa deliberasyon ng House committee on appropriations nitong Lunes.

Paliwanag naman ni Chief Supt. Louie Puracan, officer in-charge ng BFP, hindi na naglilipat ng pondo ang ahensiya sa PITC o PS-DBM mula 2018. Ang naiwan umanong pondo sa PITC at PS-DBM ay mula 2015 hanggang 2017.

“The problem sir is that the procurement from 2015 to 2017 was still undisbursed, undelivered by the PITC and the DBM,” sabi ni Puracan.

SM food to go Banner Ad

Sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hinihimok nito ang PITC at PS-DBM na ibalik na lamang ang pondo sa kanila upang sila na ang bumili ng mga trak ng bumbero.

“Hindi naman po pupuwedeng titigilan natin `yong procurement just because ipinark ng ibang agencies `yong mga pondo na ito,” sabi ni Año.

Kabilang umano sa mga dahilan kung bakit hindi nakakabili ng trak ng bumbero ang PITC at PS-DBM ay failed bidding. Mayroon umanong mga bidder na naghahain ng kaso laban sa nanalong bidder kaya tumatagal.

“Meron po silang mga reasons sinasabi nila na nagkaroon po ng tinatawag na failed bidding eh alam naman po natin na `yong mga procuring entity na ito they are procuring for the entire government….kaya po nakapila lahat doon,” dagdag pa ng kalihim.

Giit naman ni Zarate: “Dapat na talagang i-review ang papel ng mga procurement agencies na ito dahil nagiging parang parking lot lang sila ng malalaking pondo na nasasayang at pwuedeng naging pugad lang ng din korapsiyon.” (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *