October 21, 2021

Guce tatapusin 5 taon tagtuyot sa korona

https://tonite.abante.com.ph/guce-tatapusin-5-taon-tagtuyot-sa-korona/

Mag-isang kakatawanin ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang ‘Pinas sa 16th Symetra Tour 2021 17th leg $175K (P8.7M ) 4th Guardian Championship sa Capitol Hill Golf Club Pratville, Alabama sa parating na Sept. 17-19.

Sigaw sa laban ng 31-year-old US-based Pinay sa 120-player, 54-hole stroke play, 3-day event na pangatlo sa huling bahagi ng United States second-tier tour na kilala ring ‘Road to LPGA Tour’ sa taong ito, ang lagutin ang may limang taon niyang tagtuyo sa korona.

SM food to go Banner Ad

Sa pang-anim na taong pagkampanya rito, hindi na nasundan ang dalawang koronang sinungkit ni Guce sa kanyang 2016 rookie year pa sa magkasunod na buwan – ang Danielle Downey Credit Union Classic sa Hulyo sa New York at Decatur-Forsyth Classic sa Agosto sa Illinois.

Makalipas ang dalawang tagumpay, ang mga best finish niya sa mga torneo noong 2016 ay fourth place, sixth sa 2016, dalawang third place noong 2018, fourth sa 2019, 26th sa 2020 at sixth spot sa taong ito.(Ramil Cruz)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *