October 27, 2021

Julia ‘di namana akting ni Claudine

https://tonite.abante.com.ph/julia-di-namana-akting-ni-claudine/

Diretsong inamin ni Julia Barretto na wala siyang nakuha sa kanyang tita Claudine Barretto pagdating sa acting skills nito.

Sa virtual mediacon kasi ng bagong serye ni Julia sa TV5 na Di Na Muli ay napuri ang aktres sa kahusayan nitong umarte just like her tita Claudine. Kaya naman natanong sa kanya kung alin ba sa kanyang estilo ng pag-arte ang nakuha niya sa kanyang tiyahin.

“Naku, nakuha? Naku, siguro, wala. Kasi nag-iisa lang siya, eh,” sagot ni Julia.

“Napakahusay niya and growing up, you know, I’ve been always vocal about it, I have always been a fan of her and of her works and of her projects and I really look up to her growing up as an actress.

“Pero again, siguro, when it comes to our craft, iba, we’re different because again, iba siya. Iba talaga siya umarte. Iba talaga siya,” she added.

Pero aniya ay tina-try naman niya lagi ang kanyang best para maging isang mahusay na aktres din.

“I try my best every day, every time I’m given the opportunity, and I always try to be at my best and perform and deliver and I just want to make everybody around me proud and everybody who trusts me with a project proud and I think that’s always been the goal- to help breathe life into the character that I’m given,” pahayag pa ng aktres.

Sa Di Na Muli ay ginagampanan ni Julia ang papel na Yanna Aguinaldo, isang babaeng may abilidad na makita ang life span ng isang tao kapag hinahawakan niya ang kamay ng mga ito.

Excited si Julia dahil kakaiba raw ang kuwento nito kaya naman tinanggap niya agad bukod pa nga sa ito ang pagbabalik niya sa primetime after Ngayon at Kailanman in 2019.

Isa pang ikinai-excite ni Julia ay once-a-week drama ito (every Saturday) at para lang daw Korean Drama na inaabangan evey week ang bagong episode.

Magsisimula na sa Sept. 18 ang Di Na Muli. Kasama rin dito ni Julia sina Marco Gumabao, Marco Gallo and Angelu de Leon.

Heart inuurot na magdemanda

Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang mga harsh comments ng netizens tungkol sa kanyang hindi pagkakaroon ng anak.

Sa viral TikTok video ng aktres kung saan ay nakasuot siya ng 2 piece swimsuit, marami ang humanga sa kanyang kaseksihan pero mayroon ding mga walang magawa na nagkomento nang hindi maganda.

May nagkomento na sayang daw ang ganda ng katawan ni Heart dahil hindi raw mabuntis ng asawa. Sunod-sunod ang mga rude comments na kami man ay nanggigil talaga para kay Heart.

Kaya naman tama lang na sagutin ito ng aktres.

“Inspire each other nalang tayo,” aniya.

Dagdag pa niyang tweet, “Wag kayo magalala nobody has a perfect life… my life is far from that.”

Maya-maya ay nagpost ulit si Heart, this time ay short clip ng asawa niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero habang nagwo-work-out.

“Buti na lang cute ng asawa ko,” caption ni Heart.

Samantala, marami namang netizens ang sumuporta sa mga pahayag ni Heart at sila man ay nagalit sa mga bastos na komento ng mga bashers. Ang iba ay pinayuhan siyang magdemanda dahil cyberbullying na raw ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *