October 21, 2021

Mga anak ng singer may gap sa stepdad

https://tonite.abante.com.ph/mga-anak-ng-singer-may-gap-sa-stepdad/

May kilala ang aming source na magaling na female performer na may mga anak na sa una niyang karelasyon nang magkakilala sila ng isang lalaking nangakong mamahalin siya nang buong-buo maging ang mga anak niya.

Naging maayos naman ang kanilang relasyon nang maraming taon, nagkaroon sila ang mga anak, kasama nila sa isang bubong ang mga anak ng female singer sa una.

Pero dumating ang panahon na nang maglakihan na ang mga anak ng magaling na singer sa una ay naging madalas na ang kanilang pagtatalo. Marami nang nagaganap na argmento sa pagitan nila.

Kuwento ng aming source, “Masyadong mahigpit ang karelasyon ng female singer, maraming pinapansin, nagsusumbong ang mga anak niya sa una. Wala na raw silang freedom.

“Nagpaliwanag ang female singer na bigyan ng kalayaan ang mga anak niya, pero wala pa ring pagbabago ang guy, sobrang hinihigpitan pa rin ang mga anak niya.

“Napilitan na ang isang anak niya na humiwalay ng tirahan, kumikita naman kahit paano ang anak niya, kaya kinakaya ang independent living,” unang sultada ng aming impormante.

Maganda naman ang punto ng lalaki, sa panahon ngayon na napakaraming kabataang naliligaw ng landas, kailangan nitong bantayan ang mga anak ng female singer sa una.

Patuloy ng aming source, “Pero hindi ganu’n ang nakikita ng mga kamag-anak nila, may nakatagong galit ang lalaki sa mga anak ng singer, kasi nga, naaalala niya ang nakaraan. Wala namang itinago sa kanya ang singer, tinanggap niya naman ‘yun, kaya bakit ang mga bata ang magsakripisyo.

“Hindi na maayos ang relasyon nila ngayon, may gap ang guy at ang mga anak ng singer sa una, ‘yun ang matinding problema ngayon ng magaling na singer. Gumawa na siya ng paraan para ma-patch-up ang gap ng mga anak niya at ng stepfather nila, pero ganu’n pa rin ang sitwasyon.

“Kaya pala may hugot sa puso kung kumanta ang female singer, kaya pala napapaiyak siya kapag kumakanta, meron pala siyang pinagdadaanan. Kapag pamilya na ang sangkot, walang matapang.

“Napakatamis pa naman ng name ng female singer, walang kasingtamis, mapagwagian niya sana ang pinagdadaanan niya ngayon. Huwag sana siyang masawi,” pagtatapos ng aming impormante.

SM food to go Banner Ad

Jessy hindi epal kina Luis, Vilma

Puring-puri ng mga kaibigan namin si Jessy Mendiola. Ang kanilang pagpansin ay nasasaksihan din namin sa mga vlogs nila ni Luis Manzano na napapanood namin.

Nang sumali na ang Star For All Seasons sa kanilang vlog na napakasayang panoorin ay mas lumulutang ang hindi pagiging mapapel ni Jessy. Simple lang siya, naghihintay ng kanyang pagkakataong magsalita, hindi siya maingay.

Maganda ang kumbinasyon nila ng kanyang asawang si Lucky. Kung madaldal ang aktor ay kabaligtaran naman si Jessy. Ito ang pagsasamang magtatagal dahil ramdam na ramdam ang pagrerespetuhan nila sa isa’t isa.

Sabi ng kaibigan namin, “Gustung-gusto ko si Jessy kapag nagba-vlog sila ni Congresswoman Vilma Santos , tahimik lang siya, sa likuran pa nga siya pumupuwesto. Kundi pa siya tanungin ng biyenan niya, e, hindi siya nakikipagsabayan.

“Hindi siya nakikipag-agawan ng papel, naghihintay lang siya, akala ko kasi dati, e, maepal si Jessy,” komento ng aming kausap.

Sa bahay muna nina Senador Ralph at Congresswoman Vilma nakatira sina Luis at Jessy. Sama-sama muna sila ngayong pandemya. Pagba-vlog ang pinagkakaabalahan nila ngayon.

At hindi na nagpapahuli sa balita ang mga kaibigan namin, alam na nila pati ang paboritong pagkain ni Luis, dahil mabubuhay pala ang aktor-TV host kahit tinola ang araw-araw nitong ulam.

“Sinangag at fish naman ang paborito niyang breakfast, hindi pala mapili si Luis sa food, maganda ang ginawang pagdidisiplina sa kanya ni Vilma,” komento naman ng kaibigan naming matagal nang naninirahan sa UK.

Ganu’n katindi ang naaabot ng social media. ‘Yun ang pinagkakalibangang tutukan ngayon ng mga kababayan nating nalulungkot-nabuburyong na sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *