October 21, 2021

NegOcc niyanig ng magnitude 4.9

https://tonite.abante.com.ph/negocc-niyanig-ng-magnitude-4-9/

Inuga ng magnitude 4.9 na lindol ang Negros Occidental noong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naramdaman 55 kilometro northwest sa Sipalay City, Negros Oc­cidental.

Sinabi ng ahensiya na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 18 kilometro.

SM food to go Banner Ad

Naitala ang Intensity 2 sa Bago City, at Intensity 1 sa La Carlota City, pare­hong sa Negros Occidental.

Wala namang naiulat na nasirang mga gusali at walang inaasahang af­tershock pagkatapos ng lindol, ayon sa Phivolcs. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *