October 21, 2021

PACC mabagal sa kampanya vs korapsiyon – Leni

https://tonite.abante.com.ph/pacc-mabagal-sa-kampanya-vs-korapsiyon-leni/

Binakbakan ni Vice President Leni Robredo ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa kabagalang umaksyon hinggil sa isyu ng katiwalian diumano sa paghawak ng pondo ng gobyerno para sa COVID-19 pandemya.

Sinabi ni Robredo na ang PACC ang dapat na unang nakakaalam sa mga iregularidad sa pondo ng executive department.

Si Greco Belgica ang namumuno sa PACC bilang chairman nito.

“Dapat sila ang nauna kasi ito ang mandato nila, bakit ngayon palang sila magi-start?” puna ni Robredo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinuwestiyon din ni Robredo ang pagbuo ng pamahalaan ng isa pang anti-corruption body kahit mayroon nang PACC.

Binuo ang Inter-Agency Anti-Corruption Coordinating Council kasunod ng imbestigasyon ng Senado sa pondo ng Department of Health (DOH) para matugunan ang pandemya ng COVID.

“It’s difficult to make any judgments now, ang tanong ko lang bakit kailangan gawin na meron nang PACC. Kung walang existing tingin ko okay lang,” sabi ni Robredo. (Kiko Cueto)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *