October 26, 2021

Pasko huwag gawing commercial celeb – Bishop David

https://tonite.abante.com.ph/pasko-huwag-gawing-commercial-celeb-bishop-david/

Pinaalalahanan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang publiko na huwag gawing ‘commercial celebration’ ang Araw ng Pasko.

Ginawa ni David ang pahayag kaugnay sa maagang pagsisimula ng pagdiriwang ng Pasko sa bansa tuwing sumasapit ang buwan ng Setyembre.

Sinabi ni David na hindi kailanman hinikayat o sinuportahan ng Simbahan Katoliko ang maagang pagsisimula ng Pasko sa bansa na taliwas sa Liturgical calendar ng Simbahang Katolika.

“Ewan kung saan nagmula yung idea na ang Pasko ay nagsisimula na basta dumapo na sa month na may ‘Ber’ – September, October, November, December apat na buwan ka magpapasko. Talagang hindi siya tama and it has nothing to do with the Liturgical calendar of the Catholic Church ni-kailan hindi nag-encourage ang Simbahang Katolika na simulan ang pagdiriwang ng Pasko sa September dahil ang Pasko it’s not even the whole of December,” ani David.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi pa ni David na bago pa man ang pagdiriwang ng Pasko tuwing buwan ng Disyembre ay may ginugunita pang panahon ng Adbiyento na apat na linggong paghahanda sa araw ng pagsilang ng Anak ng Diyos na si Hesus.

Ayon kay David gusto lamang magsamantala ng mga namumuhunan.

“Strictly speaking tayo in December may adbiyento pa ‘yan diba tapos mamaya meron tayong nobenaryo in preparation for Christmas, pero sinisira mo ‘yung liturgical season and the only reason for it is commercialization, huwag tayong bibigay sa pangungumersyo ng tao sa Pasko, pinapasulit nila ‘yung pangungumersyo nila ng Pasko at hindi ‘yun tama,”dagdag pa ni David.

Binigyan-diin pa ni David , ang apat na linggo sa panahon ng Adbiyento ay sumisimbolo sa panahon ng paghihintay ng mga Kristiyanong Katoliko sa kapanganakan ni Hesus na isang makahulugang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *