October 22, 2021

10 Laguna cop inabsuwelto sa tinodas na 16-anyos

https://tonite.abante.com.ph/10-laguna-cop-inabsuwelto-sa-tinodas-na-16-anyos/

Tiwala si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa naging imbestigasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na walang ginawang mali ang 10 pulis Laguna na sangkot sa pagkamatay ng 16-anyos na lalaki sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Biñan, Laguna noong Hunyo 16.

“Isang operasyon sa Laguna na nagresulta sa pagkamatay ng isang menor de edad ang tinu­tukan ko dahil sa mga kontrobersyal na pahayag na isa itong kaso ng human rights abuse at inaakusahan pang extra-judicial killing,” ani Elea­zar sa kanyang pahayag kahapon.

Matatandaang noong Hunyo 16 ay nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Laguna Po­lice Intelligence Unit sa Binan City laban sa no­toryus na drug suspek na si Antonio Dalit at sa 16-anyos nitong kasama na si Jhondy Maglinte Helis, kung saan napatay ang dalawa sa naganap na shootout.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa pahayag ng pamilya Helis, ang bina­tilyo ay sadya umanong pinatay ng mga pulis subalit sa imbestigasyon ng IAS, wala umanong indikasyon na sadyang pinatay ang mga biktima at wala ring saksi na lumutang upang patu­nayan na kusang pinatay ang mga ito.

Hindi rin nakipagtu­lungan ang pamilya ni Helis sa imbestigasyon ng IAS. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *