October 22, 2021

6 nasukol sa tupada

https://tonite.abante.com.ph/6-nasukol-sa-tupada/

Timbog ang anim na kalalakihan matapos silang mahuli na nasa aktong nagsusugal ng tupada sa bakanteng lote sa Brgy. Poblacion, Bina­lonan, Pangasinan noong Linggo ng hapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Antonio Lopez, 56; Armando A. Tabora, 51; Gregorio M. Aglipay; Richard E. Pas­cua, 49; Rosauro E. Pe­ñera, 52 at Noel S. Gabot, 26, lahat nakatira sa na­sabing bayan.

Sa report, ayon sa Binalonan Municipal Police Station (BMPS), nangyari ang insidente dakong ala-1:03 ng hapon sa bakanteng lote ng Barangay Poblacion.

Bago ang pag-aresto, may nag-report sa BMPS at sinabing may nang­yayaring tupadahan sa kanilang lugar.

SM food to go Banner Ad

Dito, agad nagrespon­de ang mga pulis at binu­laga ang mga suspek sa aktong nagsasabong.

Nagkanya-kanyang pulasan ang mga suspek ngunit nakorner ang anim ng mga awtoridad.

Dinala ang mga sus­pek sa BMPS at sasam­pahan ng kasong illegal gambling. (Allan Ber­gonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *