October 20, 2021

DOJ hinirit taasan danyos sa krimen

https://tonite.abante.com.ph/doj-hinirit-taasan-danyos-sa-krimen/

Suportado ni Justice Secretary Menardo Gue­varra ang pag-amyenda sa Republic Act No. 7309, ang batas na lumikha sa Board of Claims (BOC) na nagbabayad sa mga nakulong kahit walang kasala­nan at mga biktima ng karumal-dumal na krimen.

“The DOJ (Department of Justice) will give its full support for the amendment of RA 7309 to in­crease the amount of compensation for victims of heinous crimes and persons wrongfully convicted. The law was enacted in 1992 and the value of the award has not kept up with the changing times,” ayon kay Guevarra.

Sinabi pa ng kalihim na napapanahon na ang pag-amiyenda sa 29 taong batas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang nanawagan sina Deputy Speakers Evelina Escudero at Michael Romero na pag-isahin na lamang ang limang panukalang batas na humi­hiling na amiyendahan ang RA 7309.

Sa panukalang batas ni Escudero, hiniling ni­yang gawin P3,000 kada buwan mula sa dating P1,000 ang kompensasyon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *