December 3, 2021

Alex itatago ang muling pagbubuntis

https://tonite.abante.com.ph/alex-itatago-ang-muling-pagbubuntis/

Sa KUMU Live ay ibinahagi ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada ang ilang detalye ng kanilang masakit na pinagdaanan. As we all know, ini-reveal nila kamakailan na nakunan ang blogger/actress sa first baby sana nila.

Ayon kay Mikee, hanggang sa huling sandali ay talagang umaasa sila at nagdadasal na sana ay mabuo ang baby sa sinapupunan ni Alex. Pero alam din naman daw nila kung hindi talaga ibibigay ng Diyos sa kanila ay wala naman silang magagawa.

Ngayon ay medyo nakaka-recover na sila at sabi nga ni Mikee ay babawi na lang sila sa susunod.

“Ang importante, nakakabuo. So, mag-pray tayo, ‘yung susunod, eh ibigay na sa atin,” sabi ni Mikee.

Sabi naman ni Alex, “I’m trying my best and with the help of God, medyo okay na kami kahit paano. Well, may mga days lalo na pag iniiwan ako ni Mikee at nasa Lipa siya, medyo malungkot talaga ako.”

Pero alam niyang kailangang mag-move forward at tingnan ang brighter side pa rin sa kabila ng nangyari sa kanila.

Ibinahagi rin niya na sa tagal na raw nilang magkasama ni Mikee ay ngayon pa lang daw sila nakaranas ng ganito katinding pagsubok. Halos hindi nga raw sila nag-aaway at kung mag-away man ay bihirang-bihira raw.

Kaya naman sa pagsubok na ito, na-realize niya na talagang matatag ang kanilang pagsasama.

“Tinulungan niya ako, tinulungan ko siya. Dito ko naramdaman talaga ang partnership namin as a couple,” sey ni Alex.
Ngayon ay dahan-dahan na raw siyang bumabalik sa trabaho.

“Next week, magla-Lunch Out Loud na ulit ako. Hindi na lang sobrang strenuous activities, bawal na lang ‘yung ganu’n. At least, mga 6 weeks daw sabi ng doktor,” aniya.

Payo niya sa mga taong nakakaranas din ng matinding pagsubok sa buhay na kumapit lang sa Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa.

“If meron man kayong pagdadaanan, tandaan n’yo, dinadaanan lang siya at kumapit ka kay Lord. One day, magugulat ka na lang, ‘ay tapos na pala ‘yung pinagdaanan ko.’ Parang ganu’n,” payo ni Alex.

Sa susunod daw na i-bless sila ulit ni Lord ng panibagong baby, ayon kay Alex ay talagang hindi na muna niya ito sasabihin kahit sa malalapit sa kanila.

Biro pa niya, “kahit kay Mikee, hindi ko muna sasabihin, charing!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *