December 3, 2021

Allado puntirya konsehal

https://tonite.abante.com.ph/allado-puntirya-konsehal/

Tiwala si dating Philippine Basketball Association star Don Carlos Allado na papalarin na siyang manalo sa pangalawang pagkakataong pagtakbo bilang konsehal sa Pangalawang Distrito ng Lungsod ng San Juan sa 2022 national polls sa May 9.

Hindi pinalad ang 44-year-old, 6-foot-5 power forward, tig-three-time pro league champion at All-Star sa unang pagsubok sa eleksiyon sa nasabi ring posisyon noong 2019.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makulay ang 16-year playing career sa unang Asia’s play for pay hoop ni Allado, na nagretiro noong November 2015 sa anunsyo sa Twitter.

Nakatatlong championhip siya sa sa liga — 2000 All-Filipino at 2003 Invitational sa Alaska Milk, at 2010 Philippine Cup sa B-Meg (Magnolia Pambansang Manok na ngayon).

Maging nang nasa La Salle Green Archers sa University Athletic Association of the Philippines kung saan may tigagalawa siyang titulo, season at Finals MVP. (Ramil Cruz)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *