December 3, 2021

FDA nagbabala vs ‘di rehistradong tuyo

https://tonite.abante.com.ph/fda-nagbabala-vs-di-rehistradong-tuyo/

Naglabas ng abiso ang Food and Drug Administration (FDA) kung saan pinag-iingat nito ang publiko sa pagbili at pagkain ng isang brand ng dried fish o tuyo na hindi nagrehistro sa ahensiya.

Limang klase ng tuyo na ni-repack ng Rans Dried Fish ang sakop ng FDA advisory: ang Lapad, Danggit Special, Galunggong, Pusit Special at Kapak.

SM food to go Banner Ad

Nanawagan ang FDA sa mga lokal na pamahalaan at iba pang mga awtoridad na siguruhing hindi nabebenta ang Rans Dried Fish sa kanilang mga lugar.

Marami ang gumagawa at nagre-repack ng tuyo sa bansa ngunit walo lamang ang rehistradong manufacturer o repacker nito sa FDA. Walang FDA registration ang mga nagbebenta ng tuyo sa mga palengke at talipapa sa bansa.

Sabi ni FDA Director General Eric Domingo, ang mga naka-package lamang na tuyo na binebenta sa mga grocery ang sakop ng FDA at wala sa poder nito ang tuyo sa mga palengke at talipapa. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *