December 3, 2021

Kylie, Aljur isyu ginamit sa kalokohan

https://tonite.abante.com.ph/kylie-aljur-isyu-ginamit-sa-kalokohan/

Kaloka ang nangyaring ‘breaking silence’statement ni Aljur Abrenica sa kanyang official Facebook account. Hinamon niya si Kylie Padilla na magsalita kung sino sa kanila ang unang nagloko sa kanilang relasyon na talaga namang pinagpiyestahan ng mga netizen.

Bagamat burado na ang naturang post ni Aljur sa kanyang socmed account, nabulabog talaga ang showbizlandia .

Katunayan, may mga walang magawang netizen ang pinagtripan ang maselang isyu ng dalawa . Tinag pa ng mga ito ang American media personality, socialite at model na si Kylie Jenner na obvious na clueless din kung bakit siya isinasangkot sa kontrobersya.

For one, di rin niya knows kung bakit siya tina-tag sa isyu ng estranged couple.

Isa pang nawindang ay ang American actress at writer na si Kylie Brakeman nang urutin siya ng isang Pinoy netizen tungkol sa mag-asawa na nagtanong dito na “What’s the truth?” after mag-viral ng ‘breaking silence’ statement ni Aljur.

Dahil dito, napatanong na lang ito sa netizen na : “I really didn’t know what I was expecting”.

Ito ay pagkatapos na mapagkamalan siya ng naturang netizen bilang si Kylie Padilla.

As of this writing, not sure kung pati sina Kylie Versoza at Kylie Minogue ay na-tag at naurot din ng netizens.

Sa kapangyarihan din ng social media, siguradong magkakaroon din ng iba’t-ibang memes o spoofs ng kalokohan ang naturang isyu nina Aljur at Kylie.

To date, wala pang iniisyung pahayag si Kylie tungkol sa akusasyon sa kanya ng kanyang ex dahil pinagtutuunan nito ang pagpro-promote ng kanyang LGBTQA+ series bagamat may pasundot-sundot na “emote” ito sa kanyang Instagram ng pa-quote kuno.

JM tuloy ang laban sa depresyon

Naging panauhin ni 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach ang PMPC Star Awards for TV best actor na si JM de Guzman sa kanyang vlog.

SM food to go Banner Ad

Sa naturang online platform, pinag-usapan ang tungkol sa mental health . Guests ang iba’t-ibang personalidad para magbahagi ng kanilang kuwento on how they cope with mental health issues.

May mga resource persons ding kasama sa show tulad ng mga psychologist and medical practitioners.

Nang kumustahin ni Pia si JM tungkol sa kanyang kundisyon, sinabi ng aktor na tulad ng iba, patuloy pa rin daw ang pakikibaka niya sa depresyon . Matagal daw itong proseso.

Nasa estado na raw siya ngayon na ina-apply niya ang mga natutunan niyang coping mechanisms on dealing with depression and even addiction.

Hiningan din ng beauty queen ang actor ng kanyang mensahe para sa mga taong nasa situwasyon ng pinagdadaanan niya noon.

Sey ni JM, importante raw sa isang tao na dumaranas ng depresyon at nalululong sa droga na tanggapin sa kanyang sarili na kailangan niya ng tulong.

Malaking bahagi rin daw para malampasan niya ang ganitong krisis ang suporta at tulong ng pamilya at mga kaibigan.
Aminado rin siyang hindi naging madali sa kanya na magbago dahil siya raw iyong tipong stubborn . Dahil dito, may mga pagkakataong nag-relapse siya sa dating gawi.

Dagdag pa niya, nakaranas din daw siya ng trauma at pati na paghuhusga dahil nga sa pagkakagumon niya noon sa bawal na gamot.

Nakayanan daw niya dahil na rin sa pagiging ispirituwal niya ngayon.

Wala raw naman siyang mahihingan ng tulong kundi ang Diyos lamang.

Nakatulong din daw na dini-distract niya ang kanyang sarili sa trabaho at iba pang kapaki-pakinabang na bagay para hindi dalawin ng negativity.

Maliban sa prayers, naging routine na raw niya ang mag-work out sa gym, magbasa ng inspirational books at makinig sa relaxing music.

Sa estado niya, patuloy pa rin daw ang kanyang counselling at therapy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *