December 3, 2021

Male politician kinakalkal ang pagpatol sa bading

https://tonite.abante.com.ph/male-politician-kinakalkal-ang-pagpatol-sa-bading/

Maraming nagkokomento, kung gusto mo raw kalkalin ang mga bulaid (read: itinatagong lihim) ng buhay mo ay kumandidato ka, siguradong maglalabasan ang mga kalansay mo sa baul ng alaala.

May katotohanan ang komento dahil ganu’n mismo ang nagaganap ngayon sa mundo ng politika. Labasan nang labasan ang mga lihim ng mga kumakandidato na ilang dekada na nilang itinatago.

Kuwento ng aming source, “’Yung isang male politician nu’ng walang-wala pang kadatungan, boy toy siya ng isang becki na may tindahan at canteen para lang siya makalibre sa pagkain!

“Kilalang-kilala siya sa lugar na ‘yun, huwag siyang magdedenay, pero sinuwerte siya sa buhay! Ngayon, kayang-kaya na niyang pakainin ang buong barangay!” unang sultada ng aming source.

Pinupuntirya rin ngayon ang isa pang male politician na makulay rin ang nakaraang buhay. ‘Yun din ang ginagawang panira sa kanya ngayon ng mga kampong makakalaban niya sa eleksiyon.

Patuloy ng aming impormante, “Pati kuno ang pambayad sa kuryente nu’ng male politician na ‘yun, e, iniaasa niya sa isang becki. Naku, maraming bala kontra sa kanya ang mga kalaban niya!

“Ang dami-dami talaga! ‘Yun ang mahirap kapag pinasok mo ang mundo ng politika, talagang wala kang maitatago, kakalkalin ang buhay mo, grabe!” sabi na lang ng aming source.

Isa pang male personality na hindi na bago sa politika ang kinakalampag din ngayon ng kanyang mga kaagawan sa puwesto.

Balik-chika ng aming source, “Bakit kaya ganu’n? Palaging becki ang nakakaladkad sa mga paninira sa kanila? Wala bang babae, puro becki lang ba ang puwedeng i-link sa kanila?

“Ang gumagastos kuno sa kampanya ng male personality, e, isang milyonaryong becki mula sa South, mula’t mula kuno, e, ang baklang ‘yun na ang sumusuporta sa kanya!

“Bakit wala namang nararamdaman ang mga malapit sa male personality? Wala silang nakikitang becki, kahit anino lang? Paninira lang talaga ‘yun, nakakaloka ang labanan sa politika!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

SM SuperKidsDay Banner Ad

AJ nilunok ang pride

Kung maraming namba-bash kay AJ Raval dahil sa pagse-share niya sa opisyal na pahayag ni Aljur Abrenica ay marami ring pumupuri sa katapangan ng dalaga na tanggapin ang kanyang pagkakamali.

Maraming personalidad na buking na buking na sa kanilang kasablayan, pero nagmamayabang pa, nagpapalamon sila sa kanilang pride.

Pero heto si AJ Raval, agaran siyang lumantad para humingi ng dispensa kay Kylie Padilla, sa mga hindi nagkakagusto sa kanyang ginawa, ramdam ang sinseridad sa pagtatawid ng sorry ng dalaga.

Hindi madaling gawin ‘yun. Dadalawang salita lang ang “I’m sorry,” pero napakahirap bigkasin, du’n pinupuri ng mga kababayan natin si AJ.

Hindi nga lang naman laway ang nilulunok, kundi pati ang pride, kung hinihingi ng pagkakataon. Aminado naman ang batang aktres na naging emosyonal lang siya.

Palagi kasi niyang nakikitang umiiyak ang kanyang ina dahil sa paghusga sa kanya bilang sawsawerang kabit. Kaninong puso ba naman ng isang anak ang basta na lang hahayaang masaktan ang kanyang nanay?

Maayos ang pagpapalaki kay AJ ng kanyang mga magulang. Ang tama ay panindigan at ang mali ay kailangang ipanghingi ng dispensa.

Nililigawan pa lang naman pala ni Aljur si AJ, meron na silang usapan ni Kylie Padilla na puwede na silang makipag-date sa iba, pero masasakit na salita na agad ang kaulayaw ni AJ sa araw-araw.

Lalayo muna siya sa social media, magdi-detox daw muna siya, dahil naaapektuhan na ang kanyang mental health. Mahirap na nga naman dahil baka mauwi pa ‘yun sa matinding depresyon.

Gayahin sana ng ibang personalidad si AJ Raval sa pagiging mapagkumbaba. Hindi madaling gawin, pero ginawa niya, para sa ikatatahimik ng kanyang kalooban.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *