December 3, 2021

POEA pinag-iingat mga OFW sa modus

https://tonite.abante.com.ph/poea-pinag-iingat-mga-ofw-sa-modus/

Naglabas ng babala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) kahapon laban sa mga nagbebenta ng pekeng appointment form para sa mga proseso ng dokumento sa ahensiya.

“Maraming aplikante na ang nahuling may hawak na fake appointment forms na sinasabing binili nila sa ilang empleyado ng recruitment agencies at computer shops. Kadalasan, pinapalitan ang petsa ng appointment o ang pangalan ng orihinal na may hawak nito,” pahayag ng POEA sa Facebook page nito.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw ng ahensiya na walang bayad ang kanilang appointment form at makukuha lamang ito sa website ng POEA na ofwrecords.poea.gov.ph.

Nagbabala ang POEA na mananagot sa batas ang sinomang gumagawa ng mga pekeng dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *